pambuo ng pangngalan at pang-uri na may kasariang pambabae, halniña, maestra
bass clef (beys klef)
:
simbolong nása pang-apat na guhit ng pentagrama, nangangahulugang ang naturang guhit ay katugma ng notang fa sa ilalim ng gitnang C
A bomb (ey bamb)
:
bomba atomika
a tém•po
:
sa nauna o sinundang tempo
A battery (ey bá•te•rí)
:
bateryang elektrikal na nagpapainit ng filament o ng túbong elektron
bi•ta•mí•na A
:
alkohol na solidong terpene, natutunaw sa tabâ at matatagpuan sa lungti at dilaw na gulay, pulá ng itlog, at katulad, mahalaga sa paglakí, at nagpapalinaw ng mata
a for•ti•ó•ri
:
para sa higit na matibay na katwiran; batay sa mga katunayan
a gó•go
:
hanggang gusto mo; hanggang sa ikasisiya mo
et á (Lat et alii o et alia)
:
at iba pa
a priori (a•pra•ór•i)
1:
mula sa dahilan túngo sa epekto; mula sa isang pangkaraniwang batas túngo sa partikular na pangyayari at balido kahit walang batayang obserbasyon
2:
umiiral sa isip bago at bukod sa karanasan
3:
hindi batay sa nauna nang pag-aaral o pagsusuri
nouveau roman (nu•vo ró•man)
:
estilo ng nobelang French na umiiwas sa tradisyonal na anyo ng nobela